An Experrience with the Unknown
February 11th, 2007 by mrenge
this is a true ghost story that i experienced about 4 years ago…
nasa bohol kami nun, di ko na maalala kung bakit kami pumunta dun, cguro para sa reunion ng aming clan or nagbabakasyon lang, basta naaalala ko ang isang katangitanging pangyayari sa aming magpinsan…
pumunta kami sa bundok ng Badbad, loon, bohol…. dun kasi nakatira karamihan sa mga kamag-anak ko… nandun lahat ng pinsan, mga tito at tita ko ng Mejorada Clan, kilalang angkan sa lugar na yun…
Alam ko na noon pa ang tungkol sa mga kababalaghang nangyayari sa lugar na yun… sabi pa nga ng isa sa mga lola ko, si lola babeng, minsan meh grupo ng mga bata (mga edad 6 haggang 10) na naguuniform. tinanong niya kung saan sila papunta, sabi ng isa sa eskwelahan… binaliwala ng lola ko yun kasi karamihan sa mga bata dun na nag-aaral ay naglalakad talaga patungo sa eskwelahan sa patag o di kaya’y sa kabilang bundok… pero nagulat na lang siya ng lumiko yung mga bata patungo sa isang daan na ang dulo’y bangin… di na nya hinabol ang mga bata kasi nagets na nya kung ano sila…
Ang bahay ng lolo at lola ko (mga tita at tito ng mama ko) ay andun sa pinakatuktuk ng bundok Badbad… bukod tangi ang bahay nilang kubo dahil sa kalumaan at dahil sa kinalalagyan nito… Nagpalipas kami ng gabi kaming magpinsan (mga anim kami) sa bahay ni lolo at lola… naging masaya ang kwentuhan namin… puro kwentuhan ng mga masasayang alaala at tungkol rin sa kababalaghan… Dun na kami nakatulog dahil delikado nang bumaba sa patag kung saan andun talaga ang ancestral house namin…
Hinipan na ang gasera at dumilim sa boung kabahayan…. napapikit ako hanggang nakatulog… pero bigla nalang nagising sa kalagitnaan ng gabi, dahil sa isang ingay sa baba ng bahay… parang meh kinakalkal… basta alam ko meh gumagalaw sa baba ng bahay… sinilip ko sa sahig dahil kawayan lang ang sahig ng kubo ng lolo’t lola ko, pero wala akong maaninag, wla kasing buwan o ilaw man lang… kaya ang dilim ng kalangitan at kabundokan, kahit maraming alitaptap sa loob ng kwarto, di ko pa rin makita kung ano yung gumagalaw sa baba… baka naman manok o di kaya’y baboy… oo parang baboy nga kung pakinggan ang galaw pero hindi naman nagsasalita na parang baboy… napansin ko na umuulan na at natabonan yung ingay sa baba ng ingay ng ulan….
kinaumagahan… nagdesisyon kaming magpinsan na mamasyal sa kabundokan…
wala namang umangal… at doon ang daming nakita’t natuklasan… mga kakaibang halama’t hayop… napansin naming parang nakatirik na talaga ang araw sa ibabaw, nagpasya na kaming umiwi sa kubo…
alam ko meh shortcut patungo dun kaya nanguna ako sa daan…. nang makita ko na ang kubo, dalidali kaming umakyat… alam ko at ng mga pinsan ko na bahay na nga yon ng lolo’t lola ko dahil sa mga nakasabit sa sampayan na pamilyar na pamilyar at dahil na rin sa mga manok na andun na pamilyar din…
pero nagulat na lang kami sa nakita namin kung sino ang nasa loob…
mga matanda… medjo kawangis ng lolo’t lola pero ibang tao…
nilapitan namin baka naman mga bisita… pero nang nag-astang papasok na eh nagtanong yung matandang babae na sino kami… di naman galit ang tuno pero gulat na gulat kami… tinanong kami kung kanino kaming mga anak at kung anu-ano pa… hindi ko magawang tingnan ng diretso yung matanda dahil naramdaman ko na parang nanlilisik ang mata nila, kahit hindi ko nakita, basta naramdaman ko lang…
alam ko… i swear… bahay iyon ng lolo’t lola… as in…
pinapapasok kami ng matandang lalake… pero tumanggi na kami nang mapansin namin na parang meh hindi tama… dahan-dahan kaming bumaba at bumalik sa kung saan kami nagshortcut… ng palayo na’y binilisan namin ang paglakad…
nagsimulang mamuo ang mga katanungan… at nang mapagod, nagdesisyon na kaming bumalik sa kubo na hindi nagshoshortcut…
at dun natanaw naming muli yung bahay kubo ng lolo’t lola ko… yung mga sinampay at mga manok ay andun pa rin…
mejo takot kaming lumapit baka andun pa rin yung nakakatakot na mga matanda… pero nahimasmasan nang makita namin ang lola na nagwawalis sa labas…
tinanong namin kung meh bisita sila kanina… sagot nya wala, mula nung umalis kami hanggang bumalik…
at kinwento namin yung nangyari, hindi na nagulat si lola babeng… sinabi nya… meh mga kakaiba talagang nilalang na namamamahay sa kabundokan pati na sa kubo nila… sabi nya hindi naman daw sila nang-aano basta marunong ka lang romespeto sa kanila…
mula nun… sunod-sunod na ang mga kababalaghan na nakikita ko… i just think that they too have the right to dwell in the living’s place… they are part of man’s existence…
Monday, October 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment